PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ang replektibong sanaysay na ito ay tungkol sa mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid bunga ng pandemya na ating hinaharap sa kasalukuyan.
LOCKDOWN: Mga Pangyayari sa Pilipinas
Marso
16, 2020 noong idineklara ang lockdown sa buong Luzon. Lahat tayo ay
walang kaalam-alam na mangyayari ito. Tayo ay may sari-sariling gawain, pinagkakaabalahan,
at layunin sa araw na iyon. Pero ang lahat ng iyon ay natigil dahil sa lockdown
na ito.
Naaalala
ko pa noon ay kakatapos lang ng aming Retreat sa Baguio. Masayang-masaya
kami dahil nagsama-sama kaming magkakaklase sa isang malayo na lugar. Nandun
din kami upang maliwanagan pa lalo sa mga salita ng Diyos. Mabuti nalang ay
nakauwi na kami bago pa mag lockdown sa aming lungsod ng Tarlac dahil
kung kami ay naabutan ng lockdown ay tiyak na mahihirapan kaming umuwi.
Hindi na rin kami pinapasok sa paaralan noon at pinatapos na lamang ang mga
gawain naming sa bahay. Hindi lang kaming mga estudyante ang nadamay dito. Ang
mga trabahador din ay natigil sa kani-kanilang mga trabaho. Lahat ng tao ay pinatilihin
sa sari-sariling bahay. May mga nakakalabas naman noon para makabili ng
pagkain, gamot, at iba pang pangangailangan pero kaunti lang ako puwede lumabas
at dapat mayroong suot na facemask at may dalang travel pass.
Dito na nagsimula ang kabaguhan at kahirapan ng buhay ng mga Pilipino. Nabuo
rin ang iba’t-ibang klase ng quarantine sa Pilipinas katulad ng ECQ,
MECQ, GCQ, at MGCQ. Ang nakakapagtaka lang, bakit kung kailan mas dumadami ang
mga nagkakasakit sa Pilipinas ay mas lalo ring dumadami ang mga tao na
lumalabas?
Hindi
natin inaasahan na tatagal ito hanggang ngayon. Mag-iisang taon na at mas lalo
lang dumadami ang mga nagkakasakit. Ang ibang tao ay nanatili o nakaahon naman
sa buhay kahit papaano pero karamihan sa atin ay mas bumaba ang estado ng
buhay. Marami sa atin ay mas mahirap ang buhay kumpara noong hindi pa nag lockdown
sa ating bansa. Ang iba ay hindi na nakapagtrabaho. Ang iba naman ay hindi na
nakapag-aral. Mayroon din namang nagtatrabaho at nakakapag-aral sa bahay. Ito
ay tinatawag na work from home para sa mga nagtatrabaho at online
class naman para sa mga nag-aaral. Sa mga ibang paaralan naman, sila ay
nabigyan ng mga module para mapagpatuloy pa rin ang pag-aaral kahit nasa
bahay lamang. Pero hindi pa rin natin maiiwasan na may mga tao na maiiwan o
hindi makasunod sa sinasabi nating “new normal” ngayon. Hindi lahat ng
tao ay may kakayahan para makipag-sabayan sa iba’t-ibang tao.
Sa
lahat ng mga pangyayari na ito, tiyak na naghihirap pa rin ang Pilipinas dahil
sa mga bunga ng pandemiya. Kung ang ibang bansa ay bumalik na sa dati nitong
estado, bakit hindi ito magawa ng Pilipinas? Naniniwala ako na darating din ang
araw na magiging normal na ang estado ng Pilipinas pati na rin ang mga
mamamayan dito. Lahat tayo ay may pag-asa pang bumangon kaya huwag tayong
mawalan nito at patuloy tayong lumaban para sa ikabubuti ng ating buhay pati na
rin ng ating bansa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento