PAGSULAT NG PAGLALAGOM
Ang paglalagom na ito ay isang halimbawa ng buod ng Ang Leon at Ang Daga. Ang Leon At Ang Daga (Pabula) (Buod) Sa isang gubat, mayroong leon na natutulog sa ilalim ng isang puno. Kakakain lamang nito kaya naman naisipan niyang magpahinga muna. Maya-maya, nakita siya ng isang daga at nilapitan niya ito para maglaro. Ang daga ay masayang naglaro sa buntot ng leon. Nagising ang leon at dinakma niya ang daga. Kakainin na rin sana niya ito nang magmakaawa ang daga na huwag siyang kainin at tatandaan niya ang kabutihang asal ng leon kapag pinakawalan niya ito. Pinakawalan naman siya ng leon at inirason na busog pa naman siya kaya niya pinakawalan si daga. Makalipas ang ilang araw, habang naglalakad sa gubat si leon, nahuli siya ng mga mangangaso gamit ang patibong na lubid. Nagdiwang ang mga mangangaso dahil nahuli nila ang hari ng kagubatan. Umalis sila upang kumuha ng kariton para madala ang leon sa kanilang nayon. Ang leon naman ay patuloy na humiyaw hanggang sa marinig siya ng daga. Tinu...