PAGSULAT NG TALUMPATI
Ang
ASEAN o Association of Southeast Asian Nations ay ang pagsama-sama at pagtutulungan
ng mga bansang nasa Southeast Asia. Ang mga bansang Indonesia, Malaysia,
Singapore, Thailand, Brunei Darussalam, Vietnam, Laos, Myanmar, Cambodia, at
Pilipinas ay kabilang sa samahan na ito. Ang layunin ng samahan na ito ay upang
mapaunlad ang mga bansa pati na rin ang ekonimiya rito. Naisipan nila na mas
mabuti na magtulungan sila at magkaisa para sa kaunlaran ng kanilang bansa.
Epektibo naman ito ngayon dahil marami sa ating mga Pilipino ang lumilipat sa
mga bansa na kabilang dito at may lumilipat din naman na mga banyaga rito na
galing sa mga bansang iyon. Marami rin sa atin na ninanais na makapag-aral sa
ibang bansa o kaya naman makabisita man lang sa mga ito. Ganunpaman, marapat na
mapatibay at makilala pa lalo ang ating kultura at wika kahit na may mga oportunidad
sa ibang bansa. Maaari itong magsimula sa ating mga Pilipino dahil ito ay
pinagkatiwala sa atin ng ating mga ninuno at patuloy pa rin natin itong
ginagawa sa kasalukuyan na panahon. Importante na pagyamanin natin ang mga ito
dahil ito rin ay isang paraan para makilala tayo ng ibang tao sa ibang bansa. Ang
patuloy na paggamit natin sa wikang Filipino pati na rin sa ibang mga dayalekto
ay makakatulong para mapatibay ang ating wika. Ang kultura naman natin na kinabibilangan
ng arkitektura, relihiyon, pagpipinta, musika, sayaw, literatura, pagkain,
edukasyon, pista, at marami pang iba ay dapat nating pahalagahan dahil ang mga
ito ay makakatulong sa atin upang makilala tayo ng ibang bansa at mapaunlad din
ang ating ekonomiya.
Ang lahat ng ito ay dapat mabigyan ng halaga dahil kung wala ang mga ito ay parang wala na rin ang Pilipinas. Ito ang nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan bilang isang bansa. Kahit na maraming bansa ang puwedeng paglipatan dahil sa tulong ng ASEAN Integration, huwag pa rin natin kalimutan ang bansa kung saan tayo nanggaling at lumaki. Patuloy natin pagyamanin ang ating wika at kultura hindi lamang para sa ikabubuti ng bansa, kundi pati na rin sa mga Pilipino sa loob o labas man ng ating bansa. Maraming salamat at magandang araw sa inyong lahat.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento