PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
Panukala para sa pagpapagawa ng mga basurahan sa Barangay Matatalaib, Tarlac City.
II. PROPONENT NG PROYEKTO
G. Francis Levy G. Samson
#34 Our Lady of Ransom Subd. Matatalaib, Tarlac City
samsonfstem11@gmail.com
0917-365-0757
III. KATEGORYA NG PROYEKTO
Konstruksyon
IV. PETSA
|
PETSA |
MGA GAWAIN |
LUGAR |
|
Pebrero 10 - 15,
2021 |
Pag aaproba sa
proyekto |
Matatalaib
Barangay Hall |
|
Pebrero 22 - 23,
2021 |
Pagbili ng mga
materyales |
Matatalaib
Hardware |
|
Pebrero 24 –
Marso 06, 2021 |
Paggawa ng mga
basurahan |
Matatalaib
Hardware |
|
Marso 08, 2021 |
Pagsusuri sa mga
nagawang basurahan |
Matatalaib
Hardware |
|
Marso 09-12,
2021 |
Paglalagay ng
mga basurahan sa iba’t-ibang lugar sa Barangay Matatalaib |
Barangay
Matatalaib |
V. RASYONAL
Ang kahalagahan ng proyekto na ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng basura sa Barangay Matatalaib. Makakatulong din ito sa mga basurero upang mas mapadali ang kanilang trabaho.
VI. DESKRIPSYON NG PROYEKTO
Ang proyekto na ito ay makakatulong sa mga mamamayan ng Barangay Matatalaib para maging malinis ang kanilang barangay at maging organisado ang mga basura nito. Makakatulong din ito sa mga basurero para minsasan nalang ang kanilang pagkuha ng mga basura. Makakatulong din ito para magkaroon ng disiplina ang mga taga-Matatalaib tungkol sa basura at mapaghiwalay ang mga nabubulok sa mga hindi nabubulok.
VII. BADYET
|
MGA GASTUSIN |
HALAGA |
|
Bakal |
Php 5,000.00 |
|
Pintura |
Php 558.54 |
|
Mga Trabahador |
Php 4,000.00 |
|
Kabuuang
Halaga |
Php 9,558.54 |
VIII. PAKINABANG
Ang pakinabang ng proyektong ito ay para sa lahat ng
mamamayan sa Barangay Matatalaib. Mapapakinabangan nila ito sa pagtapon ng
kanilang mga basura sa wastong paraan. Mapapadali rin ang trabaho ng mga
basurero dahil minsanan nilang makukuha ang mga basura sa mga nagawang
basurahan. Matututo din ang mamamayan na mag segregate at ihiwalay ang
mga nabubulok sa mga hindi nabubulok. Magkakaroon din sila ng disiplina sa
pagtapon at paglabas ng mga basura sa araw ng pagkuha ng mga basurero.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento