PAGSULAT NG MEMORANDUM AT ADYENDA

Ang memorandum at adyenda na ito ay tungkol sa isasagawang pagpulong ng aking mga empleyado tungkol sa aming trabaho.

Samson Hospital

Samson Hospital’s Group of OTs and COTAs

Tarlac City, Tarlac

MEMORANDUM

Para sa:                   Occupational Therapists at Certified Occupational Therapy Assistants ng Samson Hospital

Mula kay:               Francis Levy G. Samson, MOT, OTL, Head OT ng Samson Hospital

Petsa:                       Pebrero 01, 2021

Paksa:                     Paglalahad ng balita tungkol sa mga pasyente at pagplano ng iskedyul para sa pagpasok ng mga Occupational Therapists at Certified Occupational Therapy Assistants.

Ang mga pasyente sa Samson Hospital ay dumarami dahil sa mga aksidenteng naganap sa lugar. Mabuti na mapagusapan ang progreso ng mga pasyente sa kanilang mga therapy upang makapagbigay tayo ng maayos na ulat sa kanilang mga pamilya at para na rin sa progreso ng paglaki ng Samson Hospital. Mabuti rin na mapagusapan ang iskedyul para sa pagpasok ng mga OT at COTA para hindi magkaroon ng pagkalito at para mapanatili ang kaayusan sa ospital.

Sa darating na Lunes, Pebrero 01, 2021, kayo ay nararapat na dumalo sa nasabing pulong. Sundin ang binigay na oras na makikita sa ibaba.

Oras:                        10:00 a.m. – 12:00 p.m.


ADYENDA

Petsa:                        Pebrero 01, 2021                                                               Oras: 10:00 a.m. – 12:00 p.m.

Lugar:                      Samson Hospital (President’s Office)

Paksa/Layunin:      Paglalahad ng balita tungkol sa mga pasyente at pagplano ng iskedyul para sa pagpasok ng mga Occupational Therapists at Certified Occupational Therapy Assistants.

Mga Dadalo:

1. Francis Levy Samson, MOT, OTL

2. Lei Angelo Lamorena, MOT, OTL

3. Vince Marby Ramos, MOT, OTL

4. Lance Gabriel Rombaoa, COTA

5. Dennis Sabado Jr., COTA

6. Reshawn Kimi Santos, COTA

Mga Paksa o Agenda

Taong Tatalakay

Oras

1. Pagbalita sa dami ng pasyente at sa kanilang mga progreso sa therapy.

Lei Angelo Lamorena, MOT, OTL

30 minuto

2. Paglalahad ng proseso sa mga susunod pang therapy sa iba’t-ibang pasyente.

Vince Marby Ramos, MOT, OTL

30 minuto

3. Pagplano ng iskedyul para sa pagpasok ng mga iba pang OT and COTA.

Lance Gabriel Rombaoa, COTA

20 minuto

4. Paglalahad ng mga rekomendasyon galing sa kapamilya ng mga pasyente.

Dennis Sabado Jr., COTA

20 minuto

5. Mga katanungan, karagdagang ideya, at paglalagom sa naisagawang pagpulong.

Reshawn Kimi Santos, COTA

20 minuto

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGSULAT NG PAGLALAGOM

PAGSULAT NG TALUMPATI

PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO